Featured Questions and Answers

Featured Questions and Answers

Ate Pat

hi ate pat,i'm experiencing red blood discharge right now(my first tym)but the problem is i'm not so sure if its menstruation na nga...can you help in this,pwede mu bang sabihin ang experience mu the first tym u had ur period??baka makarelate ako at maconvince na period na nga to...nahihiya rin akong sabihin kai mommy kaya will you please help me??

Asked by "cutegirl11"

 Hi Sis,

Uuuyy dalaga na daw siya! :)I know how you feel!! Noong una akong nagkaroon, hindi ko rin sure?kung?period?na?ba?iyon.?Basta?medjo?sumasakit?puson?ko?ng?konti?at?bigla?nalang?ako?nagkastain. So nakwento ko sa ate ko at sinabi niya sa akin na baka period na nga iyon, at sabihin ko daw kay mommy. Shmpre nahiya din ako pero  ginawa ko pa din. Buti nalang! Alam mo, huwag kang mahiya sabihin mo sa mommy mo! She might be the best person to help you, chaka ilang beses na niya naransan magkaperiod so there's nothing to be shy about! :) Kung nahihiya ka tlg, pwde mo muna kausapin ate mo kung may ate ka, or kaya lola or tita or teacher mo na napagkakatiwalaan mo. It's best to ask them as early as possible para kung period nga talaga yan, matulungan ka nila at maturuan. Mahirap naman pag ilang days may stain ka sa panty db? hehe

Yan ang best advice na mabibigay ko sayo! Oh and make sure you get a napkin with Total Protect System para sure na protektado ka para lagi kang game kahit may period ka. :) Let me know kung may iba ka pang tanong! I'll be very happy to help! :)

Ate Pat

Hi Ate Pat! gusto ko lng po itanong kung pag ba may period tapos po pinalo or nabangga ka magkakapasa po? at bakit po?

Asked by "katrina07"

Hi Sis,

Ang mga ibang babae ay mabilis talaga magkapasa during period. Ito ay dahil sa low levels of clotting factors that keep blood vessels whole. During period kasi, mas maraming clotting materials ang ginagamit. It's best na mag-consult ka with a doctor to confirm kung normal nga lang ang mga pasa and make sure na dahil sa period mo lang kaya mabilis ka magkapasa. :)

Ate Pat

ate pat naiilang po ako sa mga close friends ko kasi ako nlng po ung wlang mens at dibdib bqt ako nlng po ako ung wla eh mag e 11 na po ako eh normal lng po ba un?

Asked by "katrina07"

Sis, wag kang mailang! :) Ang bawat katawan ng tao ay iba kaya iba-iba rin ang bilis ng pag-develop ng mga katawan. Kaya normal lang na hindi kayo sabay-sabay na dinadatnan. Ang usual age nagkakaperiod ay around 8 to 13 years old. Pwede rin as early as 7 or as late as 18. Depende talaga yun sa katawan ng bawat isa sa atin. ‘Wag kang malungkot or mapressured kung ikaw nalang ang wala pang period. It will come. Ang pinakamaganda ay you learn from their experiences. Manghingi ka ng tips para kapag nagkaroon ka na, alam mo na ang gagawin mo. :)

Ate Pat

bkit po ba hind totoo ang pagtalon kapag meron tayo?

Asked by "abucejo"

Hi sis,

Ang period kasi nating mga girls ay naka-depende sa ating menstrual cycle, at hindi sa pagtalon. Ang regular period ng girls ay nangyayari every 20-35 days at tumatagal mga 3-7 days, depende sa body system mo. :) Pero dahil bago ka palang nagkakaroon, maaring mag-last lang ito hanggang 3 days. Kung minsan, baka mag-skip ka pa ng ilang buwan. :)

Ate Pat

ATE MERON PO BANG YELLOW MENS? MERON RIN PO BANG WHITE MENS??????????? THANK YOU!! GOD BLESS PO!!!

Asked by "sofia"

 Hi Sofia,

Ang tinutukoy mo ay vaginal discharge. Ang mga iba, tinatawag itong "white mens" pero hindi naman talaga ito menstruation. Sanhi ito ng changing hormonal levels mo. Ang vaginal discharge ay tumutulong panatilihing healthy ang vagina dahil nailalabas nito ang unnecessary fluids inside you.

Tulad ng napansin mo, may iba-ibang uri rin ng discharge. At times, it might be thin and slightly sticky. It might also be thick, with gel-like texture. Samantala, ang amount naman ng discharge ay depende sa menstrual cycle mo. Karaniwang mas madami ito kapag nag-oovulate ka na. Sa ganitong panahon, advisable na magsuot ka ng pantyliners para hindi magka-stain ang underwear mo. :)

 

Ate Pat

totoo po ba na pag 2malon ka ng tatlong beses tatlong araw lang ung regla mo??

Asked by "saskura_07@yahoo.com"

 Hi Sis,

Narinig ko na rin yang sabi-sabi noon, but believe me, hindi ito totoo! :) Ang pagtalon, gaya ng jumping jacks, ay makakatulong sa pagpapalakas ng katawan ngunit hindi sa pagpapaiksi ng period mo. Ang monthly period mo ay nakadepende sa iyong menstrual cycle. Hindi ito mapapaiksi ng basta basta sa pamamagitan ng pagtalon sa hagdanan niyo. :)

Ate Pat

ate pat bwal po bang kuamain ng ice cream pag meron ka ?..

Asked by "sheilla_23"

Hi Sis,

Pwede kang kumain ng ice cream during your period. Tulad ko, mahilig talaga ako sa ice cream! :)

Sa totoo, wala naman talagang bawal kainin pag may period. Meron lang mga pagkain na mabuting iwasan, lalo na bago ka magkaroon, tulad ng mga maaalat, dahil salt increases water retention sa katawan. Mabuting iwasan ang maaalat bago ka magkaperiod para hindi ka mashado mag-bloat. Basta wag mo lang kalimutan na importanteng kumain ng masusustansiyang pagkain gaya ng fruits at vegetables dahil nakakatulong itong pagandahin ang iyong blood circulation. :)

Ate Pat

ano po ba ang PMS.At ano po ba ang mga bawal kainin kapag meron ka nang period.

Asked by "daenacute"

 HI daenacute,

Sa totoo, wala naman talagang bawal kainin pag may period. Meron lang mga pagkain na mabuting iwasan, lalo na bago ka magkaroon, tulad ng mga maaalat, dahil salt increases water retention sa katawan. Mabuting iwasan ang maaalat bago ka magkaperiod para hindi ka mashado mag-bloat. Basta wag mo lang kalimutan na importanteng kumain ng masusustansiyang pagkain gaya ng fruits at vegetables dahil nakakatulong itong pagandahin ang iyong blood circulation. At ‘pag maayos ang daloy ng dugo sa katawan, maganda at magaan parin ang feeling kahit may PMS. :)

Ang PMS, o Premenstrual Syndrome ay ang emotional and physical changes na posibleng maranasan monthly. Maaaring dumating sa'yo 1-2 weeks bago ka magkaroon ng period.

Ang mga common na PMS:
• Dahil sa hormonal changes, ang ilang girls ay nagkaka-pimples before magkaroon.
• Kadalasang maririnig sa girls ang pagkakaroon ng mood swings kapag may period sila. Kaya pwedeng may time na masayang masaya lang silang nakikinig kay teacher, pagkatapos ay bigla nalang maiinis kay seatmate!
• Extra-sensitive din daw ang ibang girls kapag may period kaya madaling ma-hurt o maiyak.
• Pag malapit na ang period ng ibang girls, madami silang cravings- matamis, maasim o maalat na pagkain. At usually, mas magana rin silang kumain every break time kapag may PMS.
• Ilan pang maaaring maramdaman tuwing may PMS ay ang mabigat na katawan at pagkahilo.

Ang PMS ay isang normal occurrence para sa mga babae. Hindi ito panganib, sa halip ay isang message galing sa katawan mo na nagsasabing malapit nang dumating ang menstruation. :)

Ate Pat

salamat po ate pat sa pag sagot ng aking tanong at nalaman ko narin, may isa pa po akong tanong ano po ba ang nakikita na puti na nakikita sa panti sipon po ba un?

Asked by "CuteAngel#001"

 Walang anuman, sis! Nandito kami para tulungan kang maintindihan ang experience mong ito! :)

Ang puti na nakikita mo ay vaginal discharge. Ang mga iba, tinatawag itong "white mens" pero hindi naman talaga ito menstruation. Sanhi ito ng changing hormonal levels mo. Ang vaginal discharge ay tumutulong panatilihing healthy ang vagina dahil nailalabas nito ang unnecessary fluids inside you.

May iba-ibang uri rin ng discharge. At times, it might be thin and slightly sticky. It might also be thick, with gel-like texture. Samantala, ang amount naman ng discharge ay depende sa menstrual cycle mo. Karaniwang mas madami ito kapag nag-oovulate ka na. Sa ganitong panahon, advisable na magsuot ka ng pantyliners para hindi magka-stain ang underwear mo. :)

 

Miss Joy

ano po ba ang dapat suotin para hindi halata na meron ka

Asked by "ambie39@ymail.com"

During periods, kailangang mas maingat ka sa pagpili ng susuoting damit. Usually, iniiwasan ang light colors dahil mas noticeable ang stains dito. But of course, with extra caution, you can still wear anything light and white. Siguraduhin lang na extra careful ka sa kilos mo and magpapalit ka ng pads at least every four hours. Dapat din syempre magaling ang napkin na gamit natin. Mas maganda kung may Total Protect System para feeling mo alagang-alaga ka ng sanitary napkin mo all-day!

Kung mahilig ka sa tight jeans or nako-conscious ka sa napkin mo, maaari mo rin subukan ang Ultra Thins! Manipis lang ito pero super absorbent kaya siguradong protektado ka at hindi talagang obvious ang napkin mo. I suggest you check out this facebook.com/ModessPH to know more about Ultra Thins kung interesado ka. Sa huli kong nakita sa Facebook Page na ito, maari ka pang kumuha ng free sample kung nais mo.

 

Ate Pat

ate pat gaano po ba tumatagal ang unang period??

Asked by "MysteryCutie"

 Hi Sis,

A period only lasts for 3 to 7 days. Pero dahil bago ka palang nagkakaroon, maaring mag-last lang ito hanggang 3 days. Kung minsan, baka mag-skip ka pa ng ilang buwan. :)

Ate Pat

bawal po bang maligo kapag meron ka?

Asked by "sdney900"

Hi Sis,

Naalala ko nung una akong nagkaroon, naririnig ko rin ang mga sabi sabi na dapat huwag daw maliligo pag meron ka! Pero sabi ng nanay ko at ng teacher ko noon na hindi daw ito totoo kaya hindi ko pinaniwalaan! Naku, kung naniwala ako doon, baka ang baho ko tuwing may period ako hehe

Walang masamang mangyayari sayo kapag naligo ka during your period. Kapag hindi tayo naligo kapag may period tayo, magiging mabaho lang tayo at sticky. Kailangang malinis tayo everyday, lalo na dahil babae tayo. :)

Ate Pat

nakakahiya po bang magkaroon

Asked by "secsyleel mafias"

 Hi Sis,

Wala kang dapat ikahiya! :) In fact, pag may period ka, ibig sabihin nga nito ay dalaga ka na kaya you should be proud! :) 

Tsaka sa totoo, wala namang ibang nakakapansin na may period ka! Except siympre, kung hindi ka nagpapalit.

Here's my advice: Para pigilan ang icky feeling, we have to make sure that we have good personal hygiene. At ang pinakaimportante d’yan ay ang pagpapalit ng sanitary pads at least every four hours. Lagi din tandaan to wash our vaginas everyday. Dapat din syempre magaling ang napkin na gamit natin. Mas maganda kung may Total Protect System para feeling mo alagang-alaga ka ng sanitary napkin mo all-day! :)

Ate Pat

gusto ko pong itanong na pag po ba sumakit ang aking puson malapit na po ba ako magkaroon ng regla? eh 10 years old plang po ako

Asked by "katrina07"

Hi sis,

Maaaring oo, maaaring hindi. Yung isang kaibigan ko, dati, kala niya magkakaroon na siya dahil masakit daw puson niya. Ayun pala, masakit lang ang tiyan niya. Sa akin naman, kabaliktaran ang nangyari! Akala ko masakit lang tiyan ko, puson pala. Bigla ko lang nakita may stain na sa panty ko.

Hindi din kasi masasabi kung kailan talaga magkakaperiod ang babae.  Ang bawat katawan kasi ng tao ay iba kaya iba-iba rin ang bilis ng pag-develop ng mga katawan. Pero kung nakakapansin ka na ng mga changes sa iyong katawan tulad ng pagtangkad, paglaki ng dibdib o paglapad ng hips, senyales ang mga ito na you’re on your way to womanhood. Normal lang magkaperiod as early as 9 years old or as late as 15 years old. Just in case, okay din na magdala ka ng extra underwear and isang napkin sa bag mo. Para kapag bigla kang dinatnan, meron ka kaagad gagamitin.

Sa malaking step na ito sa’yong buhay, kasama mo ang nanay, lola, mga ate at teachers mo para gabayan ka. Kaya mas mabuti din na kausapin mo sila sa mga concerns at worries mo. :)

 

 

Ate Pat

ano ang bawal gawin kapag meron ka nang period?

Asked by "ambie39@ymail.com"

 Hi Sis,

Wala kang bawal gawin! :) Basta maingat ka, kaya mo pa rin namang gawin ang mga activities gaya ng paglalaro. Dati, nung una akong nagkaroon, takot din ako magpagod lalo na kasi ang hassle pag meron db? Pero natutunan ko din na ok lang pala! Kaya simula noon, hindi na nagbabago ang lifestyle ko kahit na nagkakaroon ako! Nakatulong din na secured ako sa pad ko, kasi alam ko na protected naman ako kahit anong gawin ko.

Kaya go lang! Wag mong hayaang hadlangan ng period mo ang mga gusto mong gawin! :)

Love,

Ate Pat

Ate Pat

ate tama ba na magpagod ka pag meron ka

Asked by "Hjdeluna"

Hi Sis,

Ok lang na magpagod ka pag may period ka! Dati, nung una akong nagkaroon, takot din ako magpagod lalo na kasi ang hassle pag meron db? Pero natutunan ko din na ok lang pala! Kaya simula noon, hindi na nagbabago ang lifestyle ko kahit na nagkakaroon ako! Nakatulong din na secured ako sa pad ko, kasi alam ko na protected naman ako kahit magpagod pa ako.

Kaya go lang! Maglaro ka at ipagpatuloy mo ang mga gusto mong gawin kahit may period ka! Sabi nga ng mga experts na pag regular ka daw nageexercise, nakakatulong yan para hindi ka mashado nagpiPMS. :)

Love, 

Ate Pat

Miss Joy

Totoo po ba na magiging iyakin ako kapag nagkaroon na ko?

Asked by "periwinkle23"

Ang pagiging emosyonal ay senyales ng PMS or Premenstrual Syndrome. Kalimitang nararanasan ito ng isang babae a few days o a few weeks bago s’ya magkaroon. May iba’t-ibang manifestations ang PMS. Ang iba ay nakakaramdam ng pagkalungkot o pagkainis. Ang iba naman, gustong umiyak parati. Ang pagkain ng tama, ang pagkakaroon ng enough sleep at pag-exercise ay makakatulong upang marelieve ang mga symptoms ng PMS.

Miss Joy

Gaano po katagal tumatagal ang mens?

Asked by "periwinkle23"

A period only lasts for 3 to 7 days. Pero dahil bago ka palang nagkakaroon, maaring mag-last lang ito hanggang 3 days. Kung minsan, baka mag-skip ka pa ng ilang buwan.

Miss Joy

Kailangan ba ko magkaroon? Forever na po ba akong magkakaroon ng mens?

Asked by "periwinkle23"

Ang pagkakaroon ng period ay isang senyales na healthy ka. Ibig sabihin, your body is working properly. Kaya dapat mas maging positive ang attitude mo pagdating sa menstruation. Hindi ka habang buhay magkakaroon ng period. In fact, hanggang sa edad na 45 hanggang 55 lang nagkakaroon ang isang babae

Miss Joy

Magkaka-cramps po ba talaga ako?

Asked by "periwinkle23"

Ang pagkakaroon ng menstrual cramps ay common sa halos lahat ng babae. Kaya ‘wag kang matakot o kabahan dito. Kung sakaling maexperience mo ang menstrual cramps, maaaring marelieve ang pain mo sa pamamagitan ng paglagay ng hot water bottle or heating pad sa lower abdomen. Kung hindi pa rin nawawala ang sakit, I suggest you consult your doctor already.

Ate Pat

Paano kung bigla akong dinatnan sa school? Sino po ang pwede kong kausapin?

Asked by "honey_bee"

Kapag bigla kang dinatnan ng period sa school, ‘wag kang mag-panic! Pumunta ka sa school nurse n’yo or sa isang teacher mo na babae para humingi ng assistance. Alam na nila kung ano ang dapat gawin. Mga babae din sila kaya siguradong makakaasa ka sa tulong nila.

Ate Pat

Niloloko ako ng mga barkada ko kasi ako nalang ang di pa nagkakaroon sa grupo namin. Anong gagawin ko?

Asked by "honey_bee"

Iba-iba ang experience ng mga babae pagdating sa period nila. Kaya normal lang na hindi kayo sabay-sabay na dinadatnan. ‘Wag kang malungkot or mapressured kung ikaw nalang ang wala pang period. It will come. Ang pinakamaganda ay you learn from their experiences. Manghingi ka ng tips para kapag nagkaroon ka na, alam mo na ang gagawin mo.

Ate Pat

Totoo po ba na magkakaroon ako ng maraming pimples kapag nagkaroon ako?

Asked by "honey_bee"

Ang pagkakaroon ng pimples ay isa sa mga pagbabago na pwedeng mangyari sa katawan mo ngayong nagdadalaga ka na. Ito ay sanhi ng mga hormonal changes sa iyong katawan. Ang pagkakaroon din ng pimples ay kalimitang lumalabas kapag malapit ng magkaroon ang isang babae. Ito ay parte ng PMS or Pre-Menstrual Syndrome. Kaya ‘wag kang ma-stress, parte ‘yan ng mga body changes that you have to face now that you’re becoming a lady! Lagi mo lang tandaan na you should regularly wash your face with a mild cleanser kapag oily na ito at bago ka matulog para mapanatili itong malinis.

Ate Pat

Ano po ba ang magandang klase ng napkin?

Asked by "honey_bee"

Maraming klase ng mga sanitary pad sa supermarket. Pero make sure na ang kukunin mo ay yung makapagbibigay sa’yo ng COMPLETE TOTAL PROTECTION. Make sure na meron itong mga ANTI-LEAK channels para confident ka na di ka magkakastain. Mainam din that you check if the pad has an ODOR CONTROL feature para maneutralize ang smell. Kapag ang pad na makukuha mo ay may mga ganitong features, mas secured ka and mas confident to do anything you want!

Ate Pat

How can I prepare sa first period ko?

Asked by "honey_bee"

Preparing for your period is easy! Kaya nandito kami at ang site na ito para matulungan kang maintindihan kung ano ang mangyayari sa katawan mo at para alam mo ang gagawin mo when that special event happens. Okay din na magdala ka ng extra underwear and isang napkin sa bag mo. Para kapag bigla kang dinatnan, meron ka kaagad gagamitin. Relax ka lang! Dahil nandito kami para gabayan ka sa iyong pagdadalaga!

Miss Joy

Bakit po ang girls lang ang nagkakaperiod? How come ang boys wala?

Asked by "periwinkle23"

Girls and boys both go through pubery, but our bodies develop differently. Ang mga babae ay kalimitang lumalapad ang hips at nagsisimula ng magkaroon ng dibdib. Ang mga lalake naman ay kalimitang nagdedevelop ng mas malalim na boses. Ang iba naman ay biglang tumatangkad. Growth spurt ang tawag dito. During puberty, kasama sa mga pagbabagong nagaganap sa mga babae ang pagkakaroon ng menstruation.